Search
  • TLF Share Admin

WAD 2021 Video Message



Ang TLF Sexuality, Health, and Rights Educators Collective Inc., o mas kilala bilang TLF Share, ay isang NGO na tumutulong sa pagtataguyod ng mga karapatan ng LGBTQIA+. Isa sa mga issues na pokus ng organisasyon ay ang HIV at AIDS.


Isa sa mga programa ng TLF Share ay ang pakikipagtulungan sa mga key populations na kagaya ng men who have sex with men, transgender people, mga kabataan, mga taong gumagamit ng droga, at mga sex workers, dahil sila ang pinakaapektado sa paglaganap ng HIV. Ang diskriminasyon sa mga grupong ito ang bumabalakid sa komprehensibong HIV response.


Bilang pagtugon, patuloy ang TLF Share sa pakikiisa sa mga government agencies, community-based organizations, NGOs, local government units, partner networks para mas maisakatuparan ang mga tagumpay ng naipasang batas sa HIV, nang sa gayon ay mas lalong mapaigting ang pagtugon sa HIV, kasama na ang laban tungo sa pagkakapantay-pantay.


Naniniwala ang TLF Share na hindi sapat ang mga salita lamang. Marapat na maisapolisiya ang pangangalaga, at pagtanggol sa mga sektor na nasa laylaya’t naisasantabi ng lipunan.


Ang commitment ng TLF Share ay ang mabigyang-daan ang pagpapalawig sa HIV Law sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan upang magpasa ng HIV ordinance, kasama na ang anti-discrimination ordinances.


Commitment din ng TLF Share na bigyang-daan ang mas makabuluhang ugnayan ng mga community-based organizations, at ng lokal na pamahalaan.


Commitment din ng TLF Share na paigtingin ang laban upang mapasa ang SOGIE Equality Bill.


Committed din ang TLF Share na tumulong sa pagtugon sa diskriminasyon lalo na sa persons living with HIV, LGBTQIA+, mga taong gumagamit ng droga, mga kabataan, at mga sex workers.


Commitment ng TLF Share na mag-organisa, at mas lalong bigyang kapasidad ang mga naorganisa nang mga community-based organizations.


Sa huli, commitment ng TLF Share ang pagkamit ng isang lipunang progresibo, malaya, at mapagpalaya.


Video Message of TLF Share for WAD2021
.pdf
Download PDF • 279KB

15 views0 comments

Recent Posts

See All